Kumbinsido ang Magdalo Group na may kahihinatnan ang impeachment complaint na inihain nila laban sa Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa kabila ito ng ipinakitang puwersa ng mga kakampi ng Pangulong Duterte nang pagbotohan sa kongreso ang death penalty bill.
Ayon kay Magdalo Party-list Representative Gary Alejano, may mga dynamics sa kongreso na maaaring makatulong upang umusad ang impeachment case tulad na lamang ng pagkakahati-hati ng partido at mga miyembro ng kongreso na dismayado ngayon sa pamumuno ni House Speaker Pantaleon Alvarez.
Una rito, idinagdag ni Alejano sa inihain nyang impeachment case laban sa Pangulo ang mga alegasyon ng pagtataksil sa bayan dahil sa kabiguan nitong protektahan ang mga teritoryo ng bansa laban sa China.
By Len Aguirre