Binalaan ni Magdalo Party List Representative Gary Alejano ang Pangulong Rodrigo Duterte sa pagtatayo ng Rehabilitation Centers sa mga kampo ng militar
Sinabi ni Alejano, dating sundalo na malalagay sa alanganin ang seguridad ng mga kampo ng AFP kapag ginawa ang naturang hakbang
Sa halip iminungkahi ni Alejano ang pagtatayo ng gobyerno ng dagdag na rehab center sa labas ng military camps
Idinagdag pa ni Alejano na hindi trabaho ng militar ang pag rehabilitate sa mga gumagamit at nagtutulak ng iligal na droga
By: Judith Larino