Pinabulaanan ni Magdalo Congressman Gary Alejano na may kinalaman ang kanyang grupong magdalo sa pagbibigay ng seguridad kay Angel Manalo sa compound ng Iglesia Ni Cristo o INC.
Ipinaliwanag ni Alejano na hindi na nila kaalyado si Bureau of Customs Chief Nick Faeldon na umano’y nag-endorso ng security agency para kay Manalo.
Sinabi ni Alejano na hindi dapat pagbintangan ang magdalo group dahil matagal nang humiwalay sa kanila si Faeldon.
By Avee Devierte |With Report from Jill Resontoc