Plano ni Magdalo Partylist Representative Gary Alejano na magsampa ng reklamo laban kay Pangulong Rodrigo Duterte sa ICC o International Criminal Court.
Ito’y matapos ibasura ng House Committee on Justice ang isinampa niyang impeachment laban sa Pangulo.
Sinabi sa DWIZ ni Alejano na kakausapin niya ukol sa bagay na ito ang kanyang mga kaalyado sa Magdalo.
Pakingan: Bahagi ng panayam kay Magdalo Partylist Representative Gary Alejano
Pagnagkataon, ito na ang ikalawang reklamo na ipadadala sa ICC laban kay Duterte kung saan ang una ay mula kay Atty. Jude Sabio, abogado ni self-confessed hitman at Davao Death Squad Member Edgar Matobato.
By: Meann Tanbio / BNSP