Pinaghahanda na ng PAGASA o Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration ang publiko sa mas matinding init pa ng panahon sa mga susunod na araw.
Kasunod na rin ito sa maalinsangang panahon na naranasan nitong mga nakalipas na araw bagamat hindi pa opisyal ang panahon ng tag-init sa bansa.
Ayon sa PAGASA, asahan na ang mas mainit na panahon pang mararanasan ngayong araw na ito dahil sa easterlies o maalinsangang hangin mula sa Pacific Ocean.
Sa pagtaya ng PAGASA, papalo sa 35. 9 degrees celsius ang heat index sa Metro Manila.
Una nang inihayag ng PAGASA na posibleng ngayong linggong ito ay magsimula na ang dry season.
By Judith Larino