Dapat maging pro-consumer ang mga itatalagang kalihim ng Department of Energy (DOE) at Energy Regulatory Commission (ERC).
Ito’y ayon kay Peter Ilagan, Pangulo ng National Association of Electricity Consumers for Reforms Inc. (NASECORE), upang maprotektahan ang interes ng mga consumer.
Giit ni Ilagan ang mga konsyumer ang sumasalo sa bigat ng presyo ng kuryente.
Matatandaang inihirit ng grupo kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bawiin ang pagkakatalaga kina Energy Secretary Raphael Lotilla at ERC Head Monalisa Dimalanta dahil sa posibleng pagkiling ng mga ito sa Aboitiz Power Corporation.