Magiging emosyonal ang huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Presidential Spokesperson, Secretary Harry Roque, ito’y magsisilbing ‘farewell speech’ ng punong ehekutibo sa kanyang panunungkulan.
Dagdag pa ni Roque, kabilang sa babanggitin ng pangulo ay ang pasasalamat nito sa suportang ibinigay ng taong bayan.
Sa huli, iginiit ni Roque na gagamitin din ng pangulo ang pagkakataong ito para hingin ang kooperasyon ng bawat-isa na patuloy na mag-ingat kontra COVID-19.