Kumpiyansa ang Malakanyang na sa gitna ng banta ng COVID-19 Delta variant at iba pang variants, magiging maganda parin ang Pasko ng mga Pilipino ngayong 2021 kung ikukumpara sa nagdaang taon.
Ayon kay Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque, kung pagabasehan ang datus, nasa mahigit 10-million mark na ang bansa pagdating sa vaccination program ng pamahalaan.
Sa katunayan ani Roque, kontrolado na ng gobyerno ang COVID-19 cases sa metro manila plus 8 na itinuturing na kuta ng COVID-19.
Tiwala ani Roque ang pamahalaan na sa pagdating pa ng maraming suplay ng COVID-19 vaccine, mas marami pang mabibigyan ng proteksiyon at tiyak rin aniya na mapipigilan na ang pagkalat ng virus na magbibigay daan upang magkaroon ng maganda o mas masayang pasko ang mga Pilipino.