Inanunsyo na ng mag-asawang Robin Padilla at Mariel Rodriguez ang magiging pangalan ng kanilang panganay.
Sa ginanap na bonggang baby shower noong Sabado, dito ay inihayag ng mag-asawa na tatawagin ang kanilang baby girl na Maria Isabella Padilla.
Kitang-kita rin ang kasiyahan kay Mariel na tunay namang nagniningning sa kanyang kagandahan.
Nagpasalamat si Mariel sa kanyang asawang si Robin na kahit na walang alam kung paano ginagawa ang mga baby shower ay game na nakilaro at nakiisa sa naturang event.
Present sa naging pagtitipon ay ilang celebrity friends ni Mariel tulad nila Vina Morales at anak nito, Ruffa Gutierrez at kapatid nitong si Richard kasama rin ang mga kids at maraming iba pa.
By Rianne Briones