Isang lalaki pa rin ang mamumuno sa Pilipinas at susunod sa Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon ito sa prediksyon ng psychic na si Brother Arman Cuban na nagsabing babae pa rin ang susunod na Bise Presidente.
Ipinabatid pa ni Cuban na urong sulong din ang isang babaeng pulitiko sa pagtakbo sa pagka-presidente kahit malakas naman ito sa masa.
Sampung presidentiables aniya ang maglalaban laban para sa 2022 Presidential elections kabilang sina Senador Manny Pacquiao at Manila Mayor Isko Moreno.
Kasabay nito diretsahang inihayag ni Cuban na hindi mananalo sa mas mataas na posisyon si Vice President Leni Robredo na nararamdaman niyang tatakbong Pangulo subalit mabibigo lalo’t galit sa kanya ang taumbayan.