Naka-i-insulto umano para sa maraming government employee at official na matagal ng nagsisilbi sa pamahalaan sa magiging sweldo ng bagong Presidential Communications Operations Office Assistant Secretary na si Mocha Uson.
Ayon kay Senador Kiko Pangilinan, nakapanliliit para sa mga government employee na may kritikal at mabigat na trabaho, kontraktwual o matagal na sa serbisyo pero mababa ang sahod ang mahigit isandaang libong piso (P100,000.00) na susuwelduhin ni Uson kada buwan bukod pa sa allowance at bonus.
Nakikiisa siya sa nararamdamang panliliit at pagka-insulto ng ilang empleyado ng pamahalaan.
Sinupalpal din ni Pangilinan ang pagbatikos at pangmamaliit ni Mocha sa mga media practioner sa bansa at ginamit pa ang programa sa isang radio station kung saan matinding inalipusta si Vice President Leni Robredo na isang pambabastos.
Ipinaalala naman ng senador na ang public office ay isang public service na nangangailangan ng competent at integridad na public official.
By Drew Nacino |With Report from Cely Bueno