Nilinaw ng Pangulo ng Philippine National Taxi Operators Association ang magiging singil sa taxi.
Kasunod ito nang ipinatutupad na provisional flag down rate na P30.
Ayon kay Atty. Bong Suntay, dapat ibawas na lamang ang P10 sa kabuuang singil sa taxi kahit pa makikita sa metro na P40 ang flag down rate.
“So yung provisional P30 is now being implemented so kung P3.50 ang patak kada 300 meters, yung waiting time dati pa rin P3.50 kada 2 minuto tapos nun eh provisional na P10 deduction sa flagdown rate, bale ang flagdown rate ay P30 pero walang calibration kaya ang makikita sa metro P40 pa rin so less P10 lang.” Ani Suntay.
Calibration
Patuloy na haharangin ng Philippine National Taxi Operators Association ang isinusulong na calibration ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB).
Sa katunayan, ipinabatid ni Atty. Bong Suntay, Pangulo ng grupo na magsasagawa pa ng hearing ang LTFRB hinggil sa petisyon nila kontra calibration.
“Gastos po yan kapag may calibration pa na gagawin dahil ang nangyari ay nag-file tayo ng motion for reconsideration sa ginawang desisyon at magsasagawa pa ng hearing ang LTFRB sa merits kasi ang kahilingan po ay bumalik tayo sa dati before yung implementation nung provisional reduction ng P10.” Pahayag ni Suntay.
By Judith Larino | Balitang Todong Lakas