Tinatayang P680K halaga ng shabu ang nasabat mula sa dalawang naarestong indibidwal sa Quezon City.
Kinilala ang mga suspek na sina Michael Bryan Ortiz at Josephine Dela Cruz na kapwa nasa drug watchlist.
Narekober sa buybust operation ang 6 na plastic sachet na naglalamang ng 100 grams ng shabu at marked money.
Nasa kustodiya na ng otoridad ang mga suspek na kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. —sa panulat ni Mara Valle