Nagsimula nang dumagsa ang mga tao para sa Maginhawa Community Pantr, ilang oras matapos ang curfew kaninang alas-5 ng madaling araw.
Kasunod na rin ito nang pagbabalik-operasyon ngayong araw na ito ng Maginhawa Community Pantry, matapos itong magsara kahapon dahil sa isyu ng red tagging.
Nagkalat naman ang mga tauhan ng Task Force Disiplina para mahigpit na ipatupad ang kapayapaan at health protocols sa paligid ng Maginhawa Community Pantry.