Magkakaroon na ng mas maraming community pantry sa Diliman, Quezon City.
Ito ang inanunsyo ni Ana Patricia Non, organizer ng Maginhawa Community Pantry.
Ayon kay Non, ito ay para maiwasan ang mahabang pila ng mga nais makakuha ng libreng pagkain.
Aniya, magsisilbi na lamang drop-off point ang Maginhawa Community Pantry kung saan may grupo ng mga bikers na maghahatid ng donasyon sa bubuksang 15 community pantry.
Sa mga nais umanong mag-donate, bukas ang Maginhawa Community Pantry simula alas-10 ng umaga hanggang alas-6 ng gabi.