Target na gawing drop-off point ng mga donasyon ang kauna-unahang community pantry sa bansa sa Maginhawa, Quezon City.
Batay sa pahayag ni Ana Patricia Non na siyang nagpasimula ng Community Pantry, isa itong paraan para maiwasan ang pagkakatipon-tipon ng mga tao sa pila at upang patuloy na masunod na ang health protocols.
Dagdag nito, ipamamahagi na lamang sa iba pang mga community pantries sa bawat Barangay ang makokolektang goods o donasyon na dadalhin sa Maginhawa Street.
Magugunitang nagsimula ang community pantry sa Quezon City na may layuning makapagbahagi ng pagkain at iba pang pangunahing pangangailangan ng taong-bayan ngayon pandemya na may tagline na ‘Magbigay ayon sa kakayahan, kumuha batay sa pangangailangan’.—sa panulat ni Agustina Nolasco