Drug lords at mga kalabang pulitiko ang umano’y hiwalay na nagpaplanong pabagsakin ang Duterte administration.
Sinabi ni Senador Alan Peter Cayetano, gumagawa na marahil ng mga hakbang ang mga drug lord dahil nagiging matindi ang kampanya ng pamahalaan kontra iligal na droga.
Sa panig naman ng mga pulitiko, nagiging hayag na, aniya sina dating Pangulong Noynoy Aquino, Senador Antonio Trillanes, at Senadora Leila De Lima sa kanilang mga pagtuligsa kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Kabilang sa mga sinasabi laban sa Pangulo ang pagiging mass murderer at human rights violator.
Sinabi ni Cayetano na posibleng mawala ang katatagan ng administrasyong Duterte dahil sa mga tila pagsusumikap ng drug lords at ilang kalabang pulitiko sa kanilang destabilization plot.
By Avee Devierte |With Report from Jill Resontoc