Sinampahan ng magkahiwalay na kasong libelo ni U.S.T. Faculty of Civil Law Dean Nilo Divina si Atty. Lorna Kapunan dahil sa umano’y malisyosong akusasyon kaugnay ng inihaing disbarment laban sa kanya.
Magugunitang nagsampa ng disbarment si Kapunan sa Korte Suprema at reklamo naman ng pamilya Castillo kaugnay sa pagkamatay ng kanilang anak na si Horacio Castillo the third.
Kabuuang 120 Million Pesos na hiwalay na damage suit ang isinampa ni Divina sa Manila at Quezon City prosecutors’ offices.
Sa kaso na inihain sa Manila Prosecutor’s Office, 60 Million peso Na danyos ang iginiit ni Divina at dapat mapanagot si Kapunan maging si Patricia Bautista dahil sa pagsira ng mga ito sa reputasyon ng dekano at kasamahan sa kanyang law firm nang isapubliko ang paghahain ng disbarment case laban sa kanya.
Kaugnay ito sa pagbibigay umano ng kumisyon ni Divina kay Commission on Elections Chairman Andres Bautista.
Ayon kay Dean Divina, ang ginawa ng mga respondent ay malinaw na isang demolition job at paninira sa kanyang pagkatao sa publiko.
Ang ikalawang reklamo naman na isinampa sa Quezon City prosecutor’s office, ay may kaugnayan naman sa pahayag ni Kapunan na pinalalabas nito na may alam si Divina sa isinagawang hazing ng Aegis Juris fraternity kay Horacio Castillo the third na naging sanhi ng agarang kamatayan ng biktima.