Naiturok umano sa isang senior citizen ang magkaibang bakuna laban sa COVID-19.
Ayon sa report, kinilala ang 71 anyos na si Anatalio Aregada na unang nabakuahan ng Moderna noong Agosto at sinudan ng Sinovac nitong Setyembre.
Pag-aalala naman ni Aregada na baka siya ay pinag-aaralan ng mga doctor.
Pahayag naman ng lokal na pamahalaan ng Antipolo na ang paghahalo ng magkaibang brand ng bakuna laban sa COVID-19 ay hindi polisiya ng DOH. —sa panulat ni Airiam Sancho