Nilinaw ng Department Of Health (DOH) na maaaring maiba ang COVID-19 test results sa samples na kinuha sa isang pasyente sa ibang oras.
Kaugnay ito ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na mayroong “false positive” results sa mga pagsusuri na ginawa ng Philippine Red Cross.
Ayon kay DOH Spokesperson at Undersecretary Maria Rosario Vergeire, maraming “factors” ang naka-aapekto sa resulta ng laboratory test.
Kailangan anyang i-interpret ang mga test gamit ang “epidemiological at clinical situation” ng pasyente. —sa panulat ni Drew Nacino