Nasawi ang tatlong bata matapos na masunog ang kanilang bahay sa San Carlos City.
Ayon kay Fo2 Neil Bantillo, natutulog umano ang magkakapatid nang mangyari ang trahedya.
Nang makaresponde ang otoridad tumambad sa kanila ang bangkay ng magkakapatid na edad 9, 7, at 3 anyos sa loob ng kanilang kwarto.
Base naman sa report ng fire investigator, sa loob mismo ng kwarto ng mga bata nagsimula ang apoy dahil sa napabayaang kandila na nakalagay sa sahig. —sa panulat ni Mara Valle