Arestado ang magkakapatid na hinihinalang miyembro ng Gun-for-Hire Group sa Brgy. Del Rosario at Brgy. Cabay sa Tiaong Quezon Province.
Ayon sa mga otoridad, nahaharap sa patung-patong na kaso matapos mahulihan ng mga baril at iligal na droga sa magkakahiwalay na operayson sina Teodoro Aquino Satumba, 34-anyos; Abelardo Aquino Satumba, 47-anyos; at Lorenzo Aquino Satumba, 43-anyos.
Nabatid na ang mga naaresto ay nag-o-operate sa Quezon, Batangas at Cavite at sangkot din umano sa paglaganap ng iligal na droga sa bayan ng Tiaong at sa mga karatig-lugar.
Nakuha sa kanila ang isang cal. 38 revolver, apat na bala, isang carbine rifle, isang cal. 30, dalawang magazine ng carbine, dalawang cal. 45, limang bala ng baril, isang stabilizer, isang granada, 2 plastic sachet ng shabu at drug paraphernalias.
Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o Illegal Possession of Firearms and Ammunition ang mga inarestong suspek. —sa panulat ni Angelica Doctolero