Magbibigay ng 500,000 pisong halaga ang hindi nagpakilalang concerned citizen, bilang reward money sa makapagtuturo sa gunmen, na pumatay sa isang negosyante at dalawang kapatid nito sa probinsiya ng Cagayan.
Layon ng kalahating milyong pabuya na pabilisin ang takbo ng imbestigasyon sa pagresolba ng kaso sa pagkamatay ng negosyanteng si Nick Gannaban.
Napabalitang pinagbabaril si Gannaban sa harap ng kanyang tindahan sa Bayan ng Tuao ng dalawang lalaking sakay ng itim na motorsiklo.
Narekober ng otoridad sa crime scene ang tatlong spent shell ng calibre kuwarenta y singko at isang deformed slug.
Napag-alaman ring kapatid ng yumaong negosyante sina Barangay Chairman Orlino Gannaban at Fredo Gannaban na naunang pinaslang nitong mga nakaraang taon.
Apela ng pamilya gannaban at mga residente sa lugar na bigyan pansin at paiigtingin ang aksyon ng kapulisan sa nangyayaring patayan sa Cagayan.—sa panulat ni Joana Luna