Wala umanong direktang kaugnayan ang magkakasabay na celestial o cosmic phenomenon ng buwan sa pag-aalburoto ng Bulkang Mayon, sa Albay.
Ayon kay Paul Alanis, science research specialist ng PHIVOLCS, sasabog ang isang bulkan kapag namamaga na ang anumang foreign object na nasa ibabaw nito.
Hindi naman anya magkakaroon ng direkta o malaking epekto ang gravitational pull o hatak ng buwan at wala ring kaugnayan ito kung lalakas o hihina ang pagsabog ng bulkan.
Kagabi, nagkasabay-sabay ang super moon, blue moon at total lunar eclipse na nagresulta sa tinatawag na super blue-blood moon na isang pambihirang pagkakataon na masilayan.