Nilinaw ni Tourism Secretary Berna Romulo-Puyat na pinapayagang magsama sa iisang quarantine room ang mga pamilya o indibidwal na magkakasama sa iisang bahay.
Ito ay makaraang makatanggap ng mga ulat ang DOT na ang ilang accredited quarantine hotels ay nagpapatupad ng one-room-one-person policy sa mga biyaherong mula sa iisang household.
Kaugnay nito pinapayuhan ni puyat ang DOT-Accredited estabishments na istriktong sundin ang mga panuntunan upang maiwasan ang kalituhan sa mga biyahero na kailangang mag-quarantine.
Paalala pa ng ahensya, ang room sharing ay para sa mga byaherong may kasamang menor-de-edad, matatanda at persons with disabilities.
Samantala, mananatili naman ang one-room-one-person policy sa mga indibidwal na mula sa ibang household. —sa panulat ni Hyacinth Ludivico