Kinasuhan ni Atty. Renato Bondal ng malversation of public funds ang magkapatid na Congresswoman Abigail Binay at suspended Makati City Mayor Junjun Binay.
Kaugnay ito sa umano’y maling paggamit sa pork barrel fund ni Congresswoman Binay noong 2011.
Ayon kay Bondal, si Congresswoman Binay ay naglabas ng P25 million pesos mula sa kaniyang pork barrel fund para sa dalawang pekeng non-government organization (NGO).
Sinabi ni Bondal na ang P15 million pesos ay ipinalabas ni Congresswoman Binay sa Gabay at Pag-asa ng Masa noong January 20, 2011 at P10 million pesos naman sa Kaakbay Buhay Foundation Incorporated noong March 29, 2011.
Inihayag ni Bondal na dapat ding panagutin si Mayor Binay dahil ang Makati City Government ang implementing agency para sa mga naturang pork barrel funds.
Kasama rin sa aniya’y pinapanagot niya si COA Auditor to Makati City Cecilia Cag-anan dahil sa kabiguan nitong bantayan ang paggamit ng public funds.
By Judith Larino