Apat ang hi-nire na abogado ng magkapatid na Mohit at Twinkle Dargani ng Pharmally kung saan isa dito ay taga dating taga Malacañang.
Sa isang liham, nag abiso ang magkapatid na Dargani sa Blue Ribbon Committee na may apat silang abogado na tutulong sa kanila sa pagharap sa imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee.
Ito ay sina Atty. Roy Kapunan, Atty. Demitri Felix , Atty. Daryl Ritchie Valles na noong una ay itinanggi pa na dati siyang konektado sa Malacañang bagamat inamin na siya ay taga Davao at isang hindi pa pinangalanan.
Samantala, sumulat din ang magkapatid kay Blue Rubbon Commitee Chairman Senator Richard Gordon para hilingin na ibigay sa kanilang ina ang kanilang pasaporte at tatlo cellphones na kinumpiska ng security team ng Senado na umaresto sa kanila.
Personal daw sa kanila ang gamit at hndi naman daw kontrabando kaya wala silang nakikitang legal na basehan para patuloy itong hawakan ng OSAA.
Banta raw sa kanilang privacy ang paghawak ng ibang tao sa kanilang personal na gamit. —sa ulat ni Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)