Tila isinantabi na ng magkapatid na sina Senador JV Ejercito at dating Senador Jinggoy Estrada ang kanilang iringan.
Ito ay matapos itaas ng magkapatid ang kamay ng isa’t isa bilang pagpapakita ng suporta sa kick off campaign ng HNP o Hugpong ng Pagbabago sa San Fernando, Pampanga ngayong araw.
Kasama ng magkapatid na Ejercito – Estrada sa unang araw ng kampanya ang iba pang tumatakbong senador sa ilalim ng itinatag na regional party ni Davao City Mayor Sara Duterte.
Kampanya ng mga party list candidate umarangkada na sa unang araw
Nagsimula na rin sa pangangampanya ang mga party list candidate ngayong unang araw ng campaign period para sa 2019 midterm elections.
Isa sa mga ito ang Bayan Muna Party list na nagtungo sa Barangay Tunasan sa Muntinlupa City sa pangunguna ni incumbent Representative Carlos Zarate.
Samantala, sinimulan naman ng Gabriela Women’s Party ang kanilang pangangampanya sa pamamagitan ng isang street dance sa kahabaan ng Commonwealth Avenue sa Quezon City.
Kasabay ng kanilang programa, nanawagan si Gabriela first nominee Representative Arlen Brosas sa pagbasura ng train at oil deregulation law na aniya’y lalung nagpapataas sa presyo ng langis.
Pinili namang Kabataan Party list na simulan ang kampanya sa pag-iikot sa iba’t ibang eskwelahan sa Metro Manila.
Nag-ikot naman sa ilang palengke sa batangas si Akbayan Party list Representative Tom Villarin.
Habang nagkaroon ng motorcade sa Pasay City, Manila at Quezon City Anakpawis Party list sa pangunguna ni Representative Ariel Casilao.