Hawak ngayon ng mga operatiba ng Quezon City Police District o QCPD ang mga kapatid ni INC o Iglesia Ni Cristo Executive Minister Eduardo Manalo na Anghel at Lottie Manalo – Hemedez.
Ito’y kasunod ng nangyaring pamamaril umano sa mga miyembro ng QCPD Special Weapons and Tactics Team nang isilbi ang search warrant sa tahanan ng magkapatid sa loob ng INC compound sa Tandang Sora.
Ayon kay QCPD Director Chief Supt. Guillermo Eleazar, may nagsumbong sa kanila hinggil sa itinatago umanong mga armas ng mga manalo sa loob mismo ng kanilang tahanan.
Bagama’t sinasabi ni Eleazar na may dalawang pulis ang nasugatan sa nangyaring pamamaril, hindi pa niya ito pinangalanan at hindi pa rin aniya mabatid kung sino ang nagpaputok ng baril.
By Jaymark Dagala
Photo Credit: CNN Philippines