Sa kulungan ang bagsak ng dalawang babae matapos magtangkang magpuslit ng droga sa Antipolo City Jail
Ipinasok ng dalawang babae ang droga sa loob ng condom at itinago sa private part ng kanilang katawan
Nasabat sa kanila ang humigit kumulang 200 grams ng hinihinalang shabu na aabot sa 1.36 milyong pisong halaga
Ayon sa awtoridad, nakatanggap ng impormasyon ang warden na may ipapasok na ilegal na droga ngunit hindi alam kung kanino, kaya hinigpitan nila ang pagbabantay
Hanggang sa makitaan ang dalawang babaeng magkapatid ng kakaibang kilos at ininspeksiyon sila ng babaeng taga-BJMP
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Antipolo Police Station ang mga babaeng suspek.