Naihain na sa Ozamiz City Regional Trial Court ang mga kasong kriminal laban sa magkapatid na Ozamiz Vice Mayor Nova Princess Echavez at Reynaldo Parojinog Jr.
Nahaharap ang magkapatid na Parojinog sa mga kasong illegal possession of firearms and ammunitions, illegal possession of illegal drugs habang may kinahaharap ding kasong illegal possession of explosives si Reynaldo Jr.
Magugunitang naaresto ng pulisya ang magkapatid na Parojinog sa isinagawang raid sa tahanan ng mga ito sa Ozamiz City kung saan, napatay ang kanilang padre de pamilya na si Reynaldo Sr, asawang si Susan at 14 na iba pa.
Una nang isinailalim sa inquest proceedings ng DOJ o Department of Justice ang mga respondent makaraang kasuhan sila ng mga tauhan ng PNP-CIDG o Criminal Investigation and Detection Group.
By Jaymark Dagala / (Ulat ni Bert Mozo)