Nakiusap kay Philippine National Police Chief Dir. Gen. Ronald Dela Rosa ang nakakulong na magkapatid na sina Ozamiz city Vice-Mayor Nova Parojinog at Reynaldo Jr. na payagan silang makita ang burol ng kanilang napatay na ina at amang si Mayor Reynaldo Parojinog.
Ang apela ay ginawa ng magkapatid na Parojinog makaraang ibasura ng Korte ang kanilang Motion for Furlough.
Sa sulat na ipinaabot ng magkapatid kay Gen. Dela Rosa,sinabi nilang ito ang pinkamasakit na kabanata sa kanilang buhay dahil hindi nila masilayan ang nakaburol na mga magulang.
Iginiit ng magkapatid na Parojinog na kahit sa huling pagkakataon man lamang ay makita nila ang mga nasawing magulang bago maihatid ang mga ito sa huling hantungan.