Balik-bansa na sina dating Palawan Governor Joel Reyes at kapatid nitong si dating Coron Mayor Mario Reyes, matapos ang 4 na taong pagtatago.
Alas-3:04 kaninang madaling araw nang dumating sa Ninoy Aquino International Airport terminal 2 sa Pasay City ang magkapatid na Reyes na kapwa mastermind umano sa pagpatay sa broadcaster at environmentalist na si Dr. Gerry Ortega.
Lulan ang dalawa ng airbus A320 PAL flight PR-733 kasama ang ilang miyembro ng PNP-Criminal Investigation Detection Group na sumundo sa magkapatid mula Bangkok, Thailand.
Agad idiniretso ang mga ito sa PNP Headquarters sa Campo Crame, Quezon City upang isailalim sa booking procedure kabilang ang pagkuha ng mugshots at fingerprints na sinundan ng isang press conference.
By Drew Nacino | Jopel Pelenio (Patrol 17)
Photo Courtesy: PNP-CIDG