Summer season na!
Ibig sabihin, mararanasan na naman natin ang matinding tag-init. Maging ang fur babies natin, nararamdaman ito. Kaya kadalasan, pinagugupitan sila sa pet groomers upang mapreskuhan.
Ngunit mukhang hindi na magkakilala ang dalawang shih tzu na ito matapos magpakalbo.
Sa trending video, makikitang tila nag-aaway ang magkapatid na sina Max at Mavy at nagtatanungan sa isa’t isa ng, “Sino ka?”
Ayon sa fur parent nila, ganito talaga ang behavior ng dalawa tuwing nagpapagupit. Kapag nanggagaling sila sa pet salon, inihahanda na nila ang kanilang sarili na mag-aaway ang dalawa.
Pagtitiyak ng kanilang fur parent, nag-aamuyan lang at hindi nagkakagatan sina Max at Mavy. At matapos ang ilang oras, bumabalik naman sa normal ang relasyon ng magkapatid.
Mukha man silang palaaway sa video, sweet na sweet at disiplinado sina Max at Mavy sa totoong buhay.