Arestado ng mga otoridad ang magkapatid na suspek sa pagpatay sa isang lalaki sa Brgy. San Gregorio, San Pablo City.
Kinilala ang nasawing biktima na si Diolando Banayad habang ang dalawang magkapatid na suspek ay kinilalang sina Maximino Oribiada, 34-anyos at Ryan Oribiada, 25-anyos.
Sa imbestigasyon ng mga tauhan ng San Pablo City PNP at SWAT- San Pablo City, nasawi ang biktima matapos paluin ng kahoy at bote sa ulo ng mga suspek sa Railroad, Brgy. San Gregorio.
Ayon sa kapatid ng biktima na si Beverly Banayad Constantino, nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng biktima at mga suspek kung saan, lumabas sa medical results na head injuries ang ikinamatay ni Banayad.
Patuloy pang nagsasagawa ng imbestigasyon ang San Pablo City PNP hinggil sa kasong Murder laban sa mga suspek.