Patay matapos saksakin ng sariling ama ang magkapatid na walo at siyam na taong gulang sa purok 10-B Barangay 39-D, Davao City.
Kinilala ang suspek na si Pajarito Castro Argon, 56-anyos na nagpatiwakal din sa loob ng kanilang bahay matapos ang krimen.
Base sa imbestigasyon, posibleng nakararanas ng depression si Argon matapos iwan ng kaniyang live-in partner at ina ng mga bata.
Nakuha mula sa pinangyarihang krimen ang dalawang kutsilyo at limang pahinang suicide note.
Sa ngayon patuloy pang iniimbestigahan ng mga otoridad ang naganap na insidente. - sa panulat ni Angelica Doctolero