Patay sa dengue ang isang magkapatid sa Davao City.
Kasama ang mga biktimang may edad walo at tatlo sa apat na tinamaan ng dengue sa Barangay Calinan Proper.
Sa ginawang inspeksyon ng barangay at city health office nadiskubre ang maraming kiti-kiti sa mga imbakan ng tubig kaya’t kaagad nagsagawa ng community cleaning at house to house information dissemination ang lokal na pamahalaan ng Davao City.