Binawian ng buhay ang isang magkapatid na babae makaraang ma-trap sa loob ng nasusunog nilang tahanan sa Matnog, Sorsogon.
Ayon sa mga awtoridad, ang magkapatid na pumanaw ay may edad 18 at 11 na pawang residente ng Barangay Tablac.
Pahayag naman ng hepe ng BFP-Matnog na si Senior Fire Officer 2 Ronnie Anonuevo, dahil sa mabilis na pagsiklab ng apoy malapit sa main door ay hindi na nakalabas ng bahay ang mga biktima.
Bagama’t sugatan ay masuwerteng nakaligtas sa insidente ang ina ng magkapatid.
Hinihinalang ang nakasinding kandila na inilagay malapit sa mga galon ng gasolina ang naging sanhi ng naturang sunog.—sa panulat ni Rex Espiritu