Matagumpay ang magkasabay na paglulunsad ng Philippine Subcon and manufacturers exhibition 2023 at the International Machinery Tools and Accessories Philippines 2023 exhibition sa World Trade Center.
Kabilang sa mga dumalo sa opening ceremony sina PEZA Group Manager Joy Alguso na kumatawan kay PEZA Director General Tereso Panga, Executive Director Engr. Robert Dizon ng DOST Metals Industry Research and Development Center at mula sa Aerospace Industries Association of the Philippines (AIAP) na sina President Dennis Chan at Chairman John Lee.
Nakiisa rin sa dobleng exhibition ang mga kinatawan ng ibat ibang embahada at mula sa government at private sectors.
Tinukoy ni PEZA Group Manager Alguso ang mga ikinakasang program ng administrasyon para sa metalworks and subcon industry samantalang binigyang diin naman ni Engr. Dizon ng DOST-MIRDC ang papel ng gobyerno sa paglalatag ng platforms kung saan maaaring ilabas ng local enterprises ang kanilang best practices gayundin ang mga programa ng kanilang ahensya bilang suporta sa nasabing industriya.
Samantala, tiwala si AIAP President Chan na malaki ang naitulong ng nasabing exhibition para buhayin ang mga industriyang naapektuhan ng pandemya habang nagpasalamat naman si AIAP Chaorman Lee sa lahat ng suppliers, sponsors, exhibitors at media partners sa suporta sa event at maging sa MAI Events Management Philippines.
Sa apat na araw na idinaos na magkasunod namang PSMEX 2025 at I-MTAP 2025 ipinakita ng I-MTAP ang State of the Art Products mula sa metal at allied industries nito mula sa mga nangungunang manufacturers, sobcontracting companies, services, local distributors at maging foreign suppliers.
Pinag isa ng I-MTAP 2023 sa exhibition ang I-AUTOROBOTS Philippines o International Industrial Automation and Robotics Philippines, International Sheet Metal Philippines, i-SM Philippines o International Sheet Metal Philippines, I-MT Philippines o International Machine Tools and Accessories Philippines, i-Imet Philippines o International Instrumentations And Metrology Philippines, i-Plas Philippines o International Plastics Philippines, i-Weld Philippines o International Welding Philippines at i-Hat Philippines o International Hardware, Accessories and Tools Philippines.
Samantala, ang PSMEX 2023 ay tumutok naman sa mga pangangailangan ng aerospace, automotive, electronics at motorcycle manufacturing industries at naging venue ang exhibition para magsama sama ang mga industrialists sa manufacturing at supporting industries ng Pilipinas para patunayan ang kani-kanilang kapabilidad sa buong mundo.
Tampok din sa apat na araw na exhibition ang mahigit 20 libreng technical seminars na nagbigay ng dagdag kaalaman at awareness hinggil sa mga pinakahuling technology sa industriya.
Dahil sa matagumpay na exhibitions binigyang diin ni Angelica Andrea Barrios, Events Organizer na umaasa silang ang naturang event ay simula na ng magandang relasyon sa mga taga ndustriya para mapalakas na rin ang metals and subcon industry ng bansa at makaagapay sa takbo ng ekonomiya sa panahong ito nang pagbangon, pagsulong at umasam ng magandang kinabukasan.