Dating magkasintahan, nagkabalikan after 49 years at muling nagpakasal sa edad na 94 at 89.
Ang buong kwento, alamin.
Sa Denver, Colorado, USA, nakilala ni Fay Shober ang kaibigan ng kaniyang mga kuya na si Robert Wenrich na sa murang edad ay nagsabi na agad na pakakasalan siya nito.
Nobyembre naman ng 1951 nang totohanin ito ni Robert dahil talaga ngang pinakasalan niya si Fay at nagkaroon sila ng mga anak.
Ngunit matapos ang 24 years na pagsasama ay nag-divorce ang dalawa noong 1975 at nagkaroon ng kani-kaniyang mga buhay, ikinasal sa iba, at nagkaroon ng mga bagong pamilya.
Ikinasal si Fay kay Don Gable at nagsama sila sa loob ng 42 years bago namatay ang lalaki 2 years ago. Habang si Robert naman na siyam na taon nang biyudo ay napangasawa si Carol Shultz, ngunit binawian din ng buhay si Carol.
Ngunit matapos maghiwalay sa loob ng 49 years, muling natagpuan nila Fay at Robert ang isa’t isa at muli ring nagpakasal!
Ayon naman sa kanilang bunsong anak na si Carol na siyang nag-asikaso sa ikalawang kasal ng kaniyang mga magulang, para raw teenagers ang mga ito na in love na in love pa rin sa isa’t isa.
Sinabi rin ng newlyweds na ngayon lang sila nagkaroon ng pagkakataon na mag-date dahil busy sila noon sa pagpapalaki sa kanilang mga apat na anak.
Kung kaya naman ngayon ay madalas mag-bonding ang mga ito sa magpalipas ng oras sa Hollywood Casino Morgantown at paglalaro ng baraha sa bahay.
Dagdag pa ni Carol, marami raw ang nakakakilala sa kaniyang mga magulang dahil ang pictures pala ng mga ito ay naka-display sa Parkhill Jewelry kung saan sila nagpasukat ng wedding ring.
Ikaw, naniniwala ka rin ba na love is sweeter the second time around?