Isang asong pagala-gala sa Laoag city ang natagpuan ng mga good samaritan sa kalsada at nakauwi sa kaniyang pamilya.
Ang buong kwento, alamin.
Isang gabi habang bumi-biyahe ang magkasintahang Denise Anne at David sakay ng motor nang mapansin nila ang isang aso na nakasunod sa kanila.
Hindi tumigil ang aso sa paghabol sa dalawa habang binabaybay ng mga ito ang Gilbert Bridge sa Laoag City hanggang sa makarating sa San Nicolas kung saan nakatira si David na may layo na tatlong kilometro.
Nagdesisyon naman sila Denise Anne at David na kupkupin na lang muna ang tila naliligaw na aso.
Mabuti na lamang din at naisipan ng magkasintahan na i-post sa social media ang eksena kung saan at paano nila natagpuan ang aso dahil mayroon palang naghahanap dito.
Matapos noon, dalawang araw ang lumipas ay natagpuan din ang aso na si Douglas ng kaniyang among si Clarence Salting na isang linggo na pala siyang hinahanap.
Labis na nagpasalamat si Clarence sa magkasintahan at sinabi sa isang panayam kung gaano kalambing at mapagmahal si Douglas at inihalintulad pa sa isang tao. Sinabi niya na kumakatok pa sa kwarto nila ang nasabing aso para manggising.
Ang panandaliang pagkawala ni Douglas ay isang patunay na gagawin ng isang furparent ang lahat para sa kaniyang minamahal na aso. Dahil katulad ng sinabi ng amo ni Douglas na si Clarence, para na ring tao ang mga ito, mayroong pakiramdam, at higit sa lahat ay mayroon ding buhay na dapat pahalagahan.
Ikaw, anong masasabi mo sa loyalty ng amo sa kaniyang alagang aso?