Magkasunod na lindol ang naramdaman sa Cagayan Province.
Unang naitala ang Magnitude 5.1 na lindol alas-8:02 kagabi sa layong 46 na kilometro, silangang bahagi ng Camiguin Island sa Calayan, Cagayan.
May lalim ang pagyanig ng 20 kilometro at tectonic ang origin o pinagmulan nito.
Sunod namang naitala ang Maginitude 5.4 na lindol alas-8:03 kagabi sa layong 20 kilometro, silangang bahagi ng Aparri, Cagayan.
May lalim ang pagyanig ng 9 na kilometro at tectonic ang origin o pinagmulan nito.
Dahil dito, naitala ang Instrumental Intensity III sa Gonzaga, Cagayan.
Intensity II sa Claveria, Cagayan; Pasuquin, Ilocos Norte at Intensity I naman sa Laoag City, Ilocos Norte. — sa panulat ni Angelica Doctolero