Naitala ang magkasunod na pagyanig sa Davao Del Sur kaninang umaga ngayong unang araw ng taon.
Niyanig ng magnitude 3.2 na lindol ang lalawigan pasado alas 5:45 ng umaga at magnitude 3.3 na lindol naman sa ganap na alas 6:56 kanina.
Ayon sa PHIVOLCS, tectonic ang origin ng dalawang pagyanig habang sa bayan ng Sulop at Bansalan naman ang episentro.
Samantala, hindi naman inaasahan ang mga pinsala kasunod ng pagyanig.