Magkasunod na niyanig ng malakas na lindol ang Tinga at Fiji, kaninang umaga.
Ayon sa USGS, naitala ang epicenter ng magnitude 6.4 na lindol, 125 kilometro sa kanluran hilagang 0 kanluran ng Neiafu sa Tonga at may lalim na 193.4 na kilometro.
Sunod naman na tinamaan ng magnitude 6.9 na lindol ang bahagi ng Fiji.
Ang sentro nito ay naitala ng USGS, 99 kilometro sa hilaga hilagang – silangan ng Ndoi Island at mayroon itong lalim na 596.3 kilometro.
Wala namang inilabas na Tsunami warning kaugnay sa naturang mga lindol.
By: Katrina Valle