Iginiit ng Department of Interior and Local Government o DILG na “isolated” ang pagkamatay nina Mayor Antonio Halili ng Tanauan City sa Batangas at ni Mayor Ferdinand Bote ng General Tinio sa Nueva Ecija.
Ayon kay DILG Undersecretary Epimaco Densing, hindi konektado at magkaiba ang nakikitang motibo sa pagpaslang sa dalawang nabanggit na alkalde.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya, miyembro ng gun for hire group ang bumaril kay Mayor Bote habang iniimbestigahan pa kung may kinalaman sa iligal na droga ang pagpatay kay Mayor Halili.
Tiniyak naman ni Densing na bibigyan nila ng seguridad ang iba pang opisyal ng gobyerno para di na maulit ang mga kaso ng pagpatay.
(Balitang Todong Lakas Interview)