Naniniwala si Vice President Jejomar Binay na hindi lamang tatlo ang maglalaban-laban sa Pampanguluhang Halalan sa 2016.
Paliwanag ni Binay, posibleng madaragdagan pa sila lalo’t maaga pa para magdesisyon ng interes sa pagtakbo.
Ito’y dahil ayon kay Binay, sa Oktubre pa naman kasi ang paghahain ng certificate of candidacy o COC.
Bukod kay Binay, kabilang sa mga nagdeklara na ng kanilang kandidatura sa susunod na taon ay sina Liberal Party standard bearer Mar Roxas at Senadora Grace Poe.
Grace-Chiz 2016
“God Bless!”
Ito ang tanging nasabi ni Vice President Jejomar Binay kaugnay ng tuluyang pag-anunsyo ng tambalang Grace Poe at Chiz Escudero sa 2016 Presidential elections.
Matatandaang sinuyo na noon ni Binay si Poe para maging running mate niya na tinaggihan naman nito.
Si Escudero naman ay dating kapartido ng Bise Presidente at nagkahiwalay ng landas dahil sa sinasabing pulitika.
By Jelbert Perdez | Allan Francisco