Isinusulong ngayon sa senado ang pagpasa sa panukalang magbe – benipisyo para sa Filipino seafarers.
Ito ay para maprotektahan ang sea – based Filipino workers at masiguro ang compulsory benefits nito.
Bukod dito, layun din ng Senate Bill 314 o Magna Carta of Filipino Seafarers Act na mahigpit na maipatupad ang international laws.
Ayon kay Senador Joel Villanueva, co – author ng Magna Carta of Filipino Seafarers bill, napapanahon na para maipasa ang naturang panukala para kilalanin ang kontribusyon ng mga dakilang Filipino seafarers sa buong mundo.
Si Villanueva ang tumayong chairman ng komite ng Labor, Employment and Human Resources Development sa senado nitong Miyerkules, Disyembre 6, kung saan pinag – usapan ang panukala.
Samantala, batay sa datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), nakapag – remit ang sea – based Filipino workers ng higit 1.9 bilyong dolyar noong Enero hanggang Abril 2015, mas mataas ng 5.6% sa 1.8 bilyong dolyar noong 2014 sa parehong panahon.