Niyanig ng magnitude 3.4 na lindol ang Governor Generoso, Davao Oriental.
Ayon sa Philvocs, tumama ito sa layong 56 kilometers Southeast ng Governor Generoso sa Davao Oriental.
Naitala na may lalim na 32 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.
Samantala, wala namang inaasahang aftershocks at naitalang nasira sa nasabing lindol.