Niyanig ng magnitude 3.4 na lindol ang Davao Oriental ngayong hapon.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naramdaman ang naturang pagyanig sa layong 24 kilometro silangan-kanluran ng Governor Generoso, Davao Oriental.
May lalim itong 24 kilometro at tectonic ang pinagmulan.
Samantala, wala namang naitalang pinsala sa mga istraktura at wala namang inaasahang aftershocks.