Niyanig ng magnitude 4.2 na lindol ang Tawi-Tawi kaninang madaling araw.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS, natukoy ang sentro ng lindol sa layong dalawandaan at siyamnapu’t siyam (299) na kilometro timog silangan ng South Ubian.
Tectonic ang pinagmulan ng pagyanig at may lalim na limandaan at siyamnapu’t pitong (597) kilometro.
Wala namang napaulat na napinsala at wala ring inaasahang aftershock sa naturang paglindol.
—-